MARIING itinanggi ni Aiko Melendez ang isyung panakip-butas lang siya sa pelikulang nakaplanong gagawin nilang dalawa ni Gabby Concepcion. Aniya, walang katotohanan na siya ang ipinalit sa dapat sana ay role ni Sharon Cuneta, dahil iba ang pelikulang pagsasamahan nila ng aktor.

Aga copy

“Naku pakilinaw nga po ulit, hindi ito ang pelikula ni Sharon and Gabby. Iba ito. Isang International film company ito na sa ngayon nga, eh. Hindi ko pa alam kung siguradong matuloy,”sey pa ni Aiko.

Para kay Aiko, gustung-gusto raw niyang matuloy ang project nila with Gabby Concepcion. Pero hanggang walang pirmahan ng kontratang nagaganap ay wala pa raw kasiguraduhan ‘yun.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag pa ni Aiko, nais din daw niya na matuloy ang matagal nang inaabangang reunion movie ng sinasabi niyang mga iniidolo niya sa showbiz, sina Sharon at Gabby nga.

“Looking forward naman tayong lahat sa reunion nila pero ‘yung offer sa akin with Gabby, iba ‘yun. Kaya sana, huwag po silang magalit sa akin,” napatawang banggit pa ni Akikay.

Tungkol naman sa tanong na kung magkaroon din sila ng reunion project ni Aga Muhlach, napangiti si Aiko, sabay sabing abangan na lang daw natin, huh!

-Jimi C. Escala