Hindi nakarating si Jodi Sta. Maria sa mall tour ng seryeng Sana Dalawa Ang Puso sa Marquee Mall sa Pampanga nitong Linggo, dahil nagkasakit siya.

Richard

Base sa post ng aktres sa kanyang Twitter account nitong Linggo: “Woke up this morning feeling under the weather. I am so disappointed that I can’t be at the mall show at Marquee Mall today but please show your support to the exceptional cast of S2P!”

Pero kahapon ng umaga ay mukhang okay na ang pakiramdam ni Jodi dahil nag-post na siya: “Start your week with good and noble intentions! Have a great week ahead, everyone!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Opo, okay na si Jodi now,”pagkumpirma naman ng taga-S2P production.

Samantala, pinasaya ng buong cast ng Sana Dalawa Ang Puso ang mga taong nanood sa kanila, sa pangunguna nina Nikki Valdez, Ylona Garcia, Henz Villaraiz, Markus Paterson, Kitkat, Jeremy Glinoga, Joaquin Reyes, Brace Arquiza, Ali Forbes, Raine Salamante, at Richard Yap.

Grabe ang hiyawan ng tao nang lumabas si Sir Martin ni Mona (Jodi), as in wala pa ring kupas talaga si Ser Chief at si Papa Chen.

Anyway, marami pang loyal viewers ng Sana Dalawa Ang Puso sa probinsiya ang nagre-request na sana ay magkaroon din ng mall tour ang cast sa lugar nila.

Tinanong namin ang taga-Star Creatives tungkol dito. “As of now po wala pang sched sa ngayon dahil sa tapings. Hahanapan pa po ulit ng maluwag na oras.”

-Reggee Bonoan