TIKOM ang bibig ni Bacoor Mayor Lani Mercado nang tanungin tungkol sa umano’y hiwalayan ng anak na si Jolo Revilla at kanyang girlfriend na si Jodi Sta. Maria.

Jolo copy

Ayon sa ina ng aktor, wala siyang masasabi tungkol sa isyu.

“It would be best if you ask them as they’re already of the right age (to speak for themselves)”.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Clue kaya ito? At ayon pa kay Lani, nagsisimula nang magsulat ng mga kanta si Jolo.

“My son is now a lyricist,” pagbabahagi niya. “He has written a numbers of poems. He has a lot of sentiments, a lot of inspirations. I myself ask where he gets it. There came a point that I was amazed over his works.”

Sinabi rin ng actress-turned politician na sa tuwing may matatapos na obra si Jolo ay kaagad itong sinasabi sa kanila ng anak.

Nakapag-record na rin daw ng kanta ang kanyang anak, pero hindi niya sure kung ire-release niya ito o gagawan ng album.

“Let’s just wait and see,” tukso ng aktres.

Tinanong namin kung ano ang tema ng mga kanta ni Jolo, at sagot niya, “Hurt, falling in love, different emotions. About love looking for hope, also love newly blossomed.”

Umusbong ang mga usap-usapan na hiwalay na ang dalawa dahil sa birthday greetings ni Jolo kay Jodi, 36, kamakailan.

“I wish you all the happiness in this world that you deserve. Thank you for bringing out the best in me. Thanks for the wonderful eight years! Happy birthday Jods! God Bless always!” caption ng politician sa candid photo ng aktres.

Kaagad namang naglabasan ang mga espekulasyon na may mali sa caption ni Jolo dahil tinawag niya ang kanyang girlfriend na “Jods” sa halip na “my love” at “forever ko”, na kanilang pet names.

Noong Disyembre ay tinawag pa ng aktor si Jodi na kanyang “soon to be wife” sa isa sa kanyang mga post.

Unang umamin ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon noong 2012. Gayunman, naghiwalay sila makalipas ang apat na taon, bago muling nagbalikan.

-MB Entertainment