YEKATERINBURG, Russia (AP) – Usap-usapan ngayon sa social media ang viral photo ng isang Iranian soccer fan na nagdiriwang sa laro na walang suot na hijab.

KABILANG ang babaeng Iranian sa milyon-milyon na tagahanga ng soccer na nakikisa sa World Cup sa Kazan, Russia. (AP)

KABILANG ang babaeng Iranian sa milyon-milyon na tagahanga ng soccer na nakikisa sa World Cup sa Kazan, Russia. (AP)

Ang hijab ay isang tradisyunal na kasuutan para sa mga babaeng Iranian.

Ngunit, sa naturang larawan na kuha ni AP photo/journalist Frank Augstein, makikita sa ID ng magandang binibini ang larawan niya na may suot na hijab, patunay na malaya ang mga kakabaihang Iranian kung nasa labas sila ng bansa at nakikiisa sa sports.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Sa nakalipas na mga taon, lumalakas ang panawagan na bigyan ng kalayaan ang mga kakabihan na maging malaya sa kanilang kasuutan maging nasa bansa sila.

“Support Iranian women to attend stadiums,” nakasaad sa placard na tangan ng isang tagahanga na sumusuporta sa pagiging malaya ng mga Iranian.