Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na umiwas sa ilang kalye sa Metro Manila dahil sa isinasagawang road reblocking at repairs ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ngayong weekend.

Ayon sa MMDA, sinimulan ng DPWH ang pagkukumpuni dakong 11:00 ng gabi nitong Biyernes at inasahang matatapos bandang 5:00 ng umaga sa Lunes, Hunyo 25. Apektado ang southbound ng EDSA paglagpas ng Arayat Street (3rd lane mula sa sidewalk) Service Road at EDSA sa harapan ng Francesca Tower patungo at pagkatapos ng Scout Borromeo (3rd lane mula sa center island).

Isinasaayos din ang northbound ng EDSA malapit sa North Avenue, MRT Station (2nd lane);Batasan Road, Commonwealth Ave., hanggang Kalinisan St. (2nd lane); A.H Lacson Ave., malapit sa España; Congressional Ave., bago mag-Mindanao Ave. (3rd lane) at Fairview Ave. magmula sa Mindanao Ave. Extension hanggang Jordan Plains Subdivision patungong Mindanao Ave. Extension.

-Bella Gamotea
Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon