CABANATUAN CITY - Nakumpiska ng Nueva Ecija Criminal Investigation & Detection Group (NE-CIDG) ang kahun-kahong pekeng sigarilyo sa isang bahay sa Barangay San Josef Sur dito, nitong Lunes ng hapon.

Agad dinampot ang dalawang suspek na sina Rolando de Leon y Baldedara, 64, ng Bgy. Sampaloc, Talavera, Nueva Ecija; at Micdom Asuncion y Santiago, 28, ng Bgy. Tabacao, Talavera, Nueva Ecija.

Sa operasyon, nakumpiska ang 100 rim ng pekeng Fortune Lights cigarettes; 50 rim ng pekeng Malboro; 50 rim ng pekeng Mighty cigarettes, bandang 1:00 ng hapon. Inaalam pa ang kabuuang halaga ng mga ito.

Nakakulong ang mga suspek sa CIDG detention cell at kinasuhan ng paglabag sa PD 1464 o Tariff & Custom Law at Intellectual Property Rights.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Light A. Nolasco