BATANGAS CITY - Arestado ang tatlo umanong big-time supplier ng shabu sa buy-bust operation sa Batangas City, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Batangas Police Director Sr. Supt. Edwin Quilates ang mga suspek na sina Circoncicion Andal, alyas Mamita, 59; at Estelita Andal, 82, alyas Nanay.

Arestado rin ang manugang ni Estelita na si Danilo Ramos, alyas Kalbo, 32 anyos.

Nakumpiska sa mga suspek ang 58 pakete ng hinihinalang shabu na nasa 250 gramo at nagkakahalaga ng P1,170,000.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Lyka Manalo