LIPA CITY, Batangas - Inaresto ng awtoridad ang isang negosyante, na nahaharap sa kasong panggagahasa sa menor de edad, sa isang mall nitong Lunes.

Sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), inaresto si Raffy Abucayon, 33, dakong 7:20 ng gabi.

Ayon kay SPO2 Lourdemar Dueñas ng Lobo Police, si Abucayon ang suspek sa panggagahasa sa 16-anyos na babae noong 2015.

Base sa ulat, anak ng tauhan ng suspek ang biktima at naganap ang krimen sa Barangay Masaguitsit, sa Lobo.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Lyka Manalo