JERUSALEM (AFP) – Binomba ng Israeli fighter jets ang 25 target sa Gaza Strip kahapon ng umaga bilang ganti sa rocket fire mula sa Palestinian territory, sinabi ng army.

Tinatayang 45 rockets ang ibinaril sa magdamag mula sa Gaza patungo sa Israel, ayon army. Pito ang naharang ng Iron Dome missile defence system.

Bilang ganti, nagsagawa ang Israeli planes ng tatlong raids sa military compounds ng Islamist movement na Hamas, ayon dito.

Ang Gaza Strip ay kontrolado ng Hamas na matinding kaaway ng Israel.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

‘’The Hamas terror organisation targeted Israeli civilians throughout the night with a severe rocket attack and is dragging the Gaza Strip and its civilians down a deteriorating path,’’ sinabi ng Israeli army