Nasa kabuuang 123 violators ang dinakip ng Police Regional Office 1 (PRO 1) sa anti-illegal gambling campaign sa loob ng apat na araw nitong Hunyo 15-18, 2018.
Ayon kay Police Chief Supt. Romulo E. Sapitula, regional director ng PRO1, isinagawa ang magkakasabay na anti-illegal gambling operations sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan.
Sa nasabing bilang, pito ang inaresto sa Ilocos Norte; 12 sa Ilocos Sur; 80 sa La Union; at 24 sa Pangasinan.
Umabot sa 19,548 cash ang nakumpiska.
-Liezle Basa Iñigo