HANDA na si WBO Oriental Youth bantamweight titlist Carl Jammes Martin sa pagkasa laban kay dating Indonesian light flyweight champion George Lumoly para sa bakanteng WBA Asia bantamweight crown sa Hunyo 21 sa Lagawe, Ifugao.

Natamo ng 19-anyos na si Martin ang WBO regional title nang patulugin niya si Tanzanian Hashimo Zuberi noong nakaraang Abril 17 sa Lagawe Central School Open Gym sa Lagawe, Ifugao kung saan siya nakabase ngayon.

Masusubok si Martin kay Lumoly na galing sa dalawang magkasunod na panalo via knockouts at kilala ring knockout artist sa walong pinatulog sa 10 panalo, 4 na talo, at 1 tabla.

Maganda ang rekord ni Martin na may 8 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts, at umaasang papasok sa world rankings kapag tinalo si Lumoly.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hinawakan din dati ni Martin ang interim WBC Asian Boxing Council Continental bantamweight title nang patulugin ang beteranong si Chatpayak Sithkopon ng Thailand noong 2017.

-Gilbert Espeña