ISA pang masugid na mananaya ng PCSO Lotto game ang isang taga-Silang, Cavite matapos tamaas ang jackpot na P50,977,870.00 ng Superlotto 6/49 nitong June 17 draw.

Ayon kay General Manager Alexander F.Balutan, ang nanalong ticket na may kombinasyong 19, 06, 20 34, 08, at 13 ay binili sa lotto outlet ng Premier Plaza Mall, Lucsuhin, Silang Cavite na pagmamayari ni Ms.Laarni Perpetua B. Ferma.

Kasama rito ang 32 mananaya na nakakuha ng 5 tamang numero na nanalo ng tig P29,310.00, samantalang 1,785 manlalaro naman ang nakakuha ng 4 digits at nanalo ng tig P420.00 at 25,987 naman ang nanalo ng tig 20 pesos o Baliktaya.

AngSuperlotto 6/49 draw ay nilalaro tuwing Lingo, Martes at Huebes, at napapanood live sa PTV 4 tuwing alas 9:00 nggabi.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Para sa iba pang detalye ng produktong PCSO maaari ninyong tignan sa PCSO website nawww.pcso.gov.ph at sa PCSO FB page https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia.