TINULDUKAN na ni Luis “Chavit” Singson ang isyu sa 2018 Miss Universe, dahil may ilang umaasa pa rin na gagawin muli sa ating bansa ang prestihiyosong beauty pageant, kahit pa napabulaanan na ito.

Miss Universe 2017 at Chavit

Sabi ni Chavit, ang Vietnam, Macau at South Korea ang pinagpipilian para pagdausan ng 2018 Miss Universe. Kapag natuloy na gawin ito sa South Korea, sasali ang North Korea. Magpapadala ng representative ng North, bukod pa sa mas magaganda raw naman talaga ang mga babae sa North Korea.

Kasunod nito, nabanggit din ni Chavit na hindi pa siya fully paid ng private sponsors sa milyun-milyong investment niya sa Miss Universe 2017.

Relasyon at Hiwalayan

Pagkakaibigan nina Alden, Kathryn hindi nawala mula noong 'HLG'

“Awa ng Diyos, ‘di pa ako bayad. Malaking company ang dalawang companies na may balanse pa sa akin. Marami silang rason ‘pag sinisingil ko, magde-demand ako na bayaran na nila ako, pero hindi naman aabot sa legal action. Mga kaibigan ko naman sila, magbabayad din ‘yun,” pahayag ni Chavit.

Dagdag pa ni Chavit, kapag binayaran na siya ng dalawang malaking kumpanya na may utang sa kanya ay aabot naman sa $2 million ang masisingil niya, kaya hindi na masasabing lugi siya.

Sabi rin pala ni Chavit, hindi man sa Pilipinas gawin ang Miss Universe ay involved pa rin siya sa pageant. Pupunta raw sa Pilipinas ang winner at ang mga runner-up nito ngayong taon, kaya makikita pa rin sila ng mga Pinoy na mahihilig sa beauty contest.

Isa pang rason sa pagpapatawag ni Chavit ng media ay para ibalitang nang magpunta siya sa South Korea ay nagkaroon ng groundbreaking ceremony at signing ng Memorandum of Agreement (MOA) between his Satrap Power at Hanwha Co., Ltd. , para gumawa ng solar panels.

Ibinalita ni Chavit na may opisina at pabrika na siya sa Energy Valley. Ang kumpanya rin niya ang unang Philippine firm to invest in South Korea, bukod sa partner din siya ng Korea Electric Power Corporation (KEPCO) para sa expansion ng renewable energy all over the world.

-Nitz Miralles