KANYA-KANYANG selebrasyon ng Father’s Day kahapon ang mga artista, at karamihan sa kanila ay nag-out of town at out of the country.

Robin at Isabella

Kakaiba naman ang selebrasyong inihanda ng mag-inang Ma r i e l Rodriguez-Padilla at Maria Isabella, dahil namalengke sila para ipaghanda ang haligi ng kanilang tahanan, si Robin Padilla.

Kinunan muna ni Mariel ang mag-amang Robin at Isabella na hawak ang basket with flowers at may balloon na heart shape.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang Instagram caption ni Mariel: “Happy Father’s Day @robinhoodpadilla thank you for everything that you do for us!!! We love you so much!!!”

Sinundan ito ng litrato ng mga prutas at cake na regalo ni Isabella sa kanyang Daddy Robin.

P o s t n i M r s . P a d i l l a , “ @ mariaisabelladepadilla went to the market today, her first palengke experience, she bought fruits for her Daddy (but babe, may kaagaw ka sa cherries because Isabella likes it a lot!!) Plus of course the cake we ordered from @theflourgirl Robin likes her carrot pumpkin cake so we got him that. We love the details of the cake. This is Isabella’s gift to her first love her Daddy @ robinhoodpadilla.”

Pinasalamatan din ni Mariel ang nagpadala ng customized chocolate cake kay Robin. “Special R Father’s Day cake for @robinhoodpadilla, you know us soooo well!!! Her Father’s Day cake usually has a mini Black Label as part of the details and I was so happy to see that there was none for Robin, super perfect because he doesn’t drink alcohol, you are our favorite baker!!!! We love you!!!! THANK YOU!!!”

Parating ikinukuwento ni Mariel na sobrang suwerte nilang mag-ina ni Isabella dahil napakabait at supportive na asawa at ama ni Robin sa kanila.

Oo nga, wala rin namang bukambibig si Binoe kapag nakakatsikahan namin siya kundi ang mag-ina niya, na sobra siyang napapasaya at inaalagaan. Sino nga naman magsasabing 49 years old na ang aktor ngayong taon, eh, mukha lang siyang nasa late 30s.

Kaya nga bumagay din siyang ka-love team ni Jodi Sta. Maria sa Sana Dalawa Ang Puso. Nagdiwang naman ng 36th birthday si Jodi nitong Hunyo 16.

Going back to Mariel, wala pa rin siyang maisagot kung kailan siya babalik sa showbiz, dahil ang sabi ni Robin ay depende ito sa anak nilang si Isabella. Iyon ay kung papaya ang bata na hindi napagkikikita ang ina, dahil lagi raw itong nakadikit kay Mariel.

-Reggee Bonoan