HINDI pa rin sinasagot ni Beauty Gonzalez ang tanong ng supporters at followers niya sa Instagram kung umalis na siya sa ABS-CBN at sa Star Magic, at lumipat na sa GMA-7.

Beauty copy

Nag-guest kasi si Beauty sa Celebrity Bluff ng GMA-7 last Saturday.

Nakakaintriga pa, dahil ang introduction sa kanya ng host na si Eugene Domingo ay “ang bagong Kapuso.”

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Pero walang follow up na interview si Eugene kay Beauty, kaya hindi nasagot ang tanong ng fans ni Beauty at ng Kapuso viewers.

Si Arnold Vegafria na yata (o dati pa) ang manager ni Beauty, at siguro naman, tapos na ang kontrata niya sa Star Magic kaya puwede na talaga siyang lumipat sa ibang network.

-Nitz Miralles