HI N D I mapigilan ang pagkalat ng mga litratong kuha sa taping n g V i c t o r M a g t a n g g o l , a n g b a g o n g t e l e s e r y e n i Alden Richards. Kaya naman naglabas na rin ng behind-the-scenes (BTS) ang GMA-7 ng mga pinag-uusapang eksena sa isang palengke sa Quezon City, na kinunan ni Direk Dominic Zapata.

Andrea

Ito ay ‘yung eksenang ginamit ni Alden ang natutuhan niya sa parkour traning, nang nagpalipat-lipat siya ng stalls sa wet market at nagpadausdos sa lagayan ng mga ibinebentang isda at karne.

Kita sa mga litrato na pawis na pawis at pagod si Alden, pero wala siyang reklamo.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Gusto ko ang ginagawa ko, gusto ko ang project na ito. Matagal kong hinintay at nang dumating ang Victor Magtanggol, ipinangako ko sa sarili ko ibubuhos ko ang attention at effort ko,”pahayag ni Alden sa isang interview.

May kumalat ding BTS na nasa bathtub si Andrea Torres, at sa tabi niya ay may kamay ng isang lalaki. Hindi kita ang mukha ng lalaki, pero ang hula ng Kapuso viewers ay kay Alden ang kamay na ‘yun. Hindi tuloy mapigilan ang ilang fans na magselos, pero wala silang magagawa dahil nasa istorya ‘yun.

Bukod kay Andr e a , una nang pinagselosan ng fans ni Alden si Bea Binene, na pilit na pinalalabas na karelasyon ng aktor. Ilang beses na itong itinanggi ni Bea.

-Nitz Miralles