SINA Piolo Pascual, Erickson Raymundo, at Direk Joyce Bernal ang producers ng 2018 Cinemalaya entry ng Spring Films na Kuya Wes. Nagsimula nang mag-shooting si Ogie Alcasid para sa pelikula, sa direksiyon ni James Mayo. Nabasa namin ang mga pangalan nina Ina Raymundo, MJ Lastimosa, Moi Bien, at Alex Medina sa kasama sa cast.

Sa isang branch ng Western Union ang location ng Kuya Wes, at suot ni Ogie ang uniform ng mga nagtatrabaho sa Western Union, kaya malinaw na may kinaalaman ang kumpanya sa pelikula.

Ang Kuya Wes ang pang-36th movie ni Ogie.

Sabay sa shooting ang paghahanda ni Ogie para sa kanyang 30th anniversary concert billed OA. Sa Smart Araneta Coliseum gagawin ang concert sa August 24, mauuna lang ng isang linggo sa concert ni Anne Curtis.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Mabibili na ang ticket para sa OA concert, at ang Star Events, ABS-CBN Events, at ang A-Team ni Ogie ang producers nito. (Nitz Miralles)