SA edad niyang 41 ay masasabing isa na si Piolo Pascual sa mga established celebrities, partikular sa mga kapanabayan niya. Kayang-kaya na niyang lumagay sa tahimik at bumuo ng sariling pamilya.

Piolo

Pero sinabi ni Piolo sa huli naming panayam sa kanya na marami pa rin daw siyang dapat paghandaan. Kumbaga, may mga bagay-bagay pa raw na dapat niyang ilagay sa ayos bago niya pagtuunan ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

Dahil dito ay may mga nagsasabing baka maunahan pa siya ng 20-anyos niyang anak, ang singer-actor na si Iñigo Pascual, na ngayon nga ay balitang may karelasyon nang non-showbiz girl.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sinabi naman ni Papa P. na walang problema sa kanya sakaling mauna pa si Iñigo na magkapamilya kaysa kanya.

Sa totoo lang, sakaling dumating ang panahon na gusto na ni Piolo na mag-settle na lang sa Amerika ay hindi na siya mahihirapan dahil dalawa ang bahay niya roon, isa sa Los Angeles, California at isa sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Piolo, ang bahay nila sa LA ay regalo niya sa kanyang inang si Mommy Amelia Nonato-Pascual, habang bahay-bakasyunan naman nila ang binili niyang bahay sa Las Vegas, huh!

Sa ngayon, busy rin si Piolo sa pagpo-produce dahil kasosyo siya sa Spring Films nina Direk Joyce Bernal at ng talent manager na si Erickson Raymundo.

-Jimi C. Escala