NAKAMIT ni Alaska forward Vic Manuel ang ikalawang PBA Honda-PBA Press Corps Player of the Week award bunsod nang hindi matatawarang husay sa panalo kontra Magnolia nitong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Vic Manuel

Vic Manuel

Binansagang “Muscle Man”, kumana ang 6-4 forward ng 17 sa kanyang career-high 35 puntos sa final period para sandigan ang Alaska sa 103-99 panalo na nagpa tatag sa kampanya ng Aces na makasikwat ng playoff spot sa Commissioner’s Cup.

Sumingasing si Manuel, may averages 25 puntos kada laro, bunsod ng pagkawala ni star player Calvin Abueva (sinuspinde) at Jeron Teng (sugatan sa nasangkutang gulo).

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Matapos ang opening day loss sa Rain or Shine, ratsada ang Aces, sa pangunguna ni Manuel para makopo ang ikaanim na sunod na panalo.

Sa edad na 31 (Hunyo 18), isa si Manuel sa binabantayan ngayon sa liga. Para sa parangal, ginapi niya sina San Miguel’s June Mar Fajardo and Alex Cabagnot, Meralco’s KG Canaleta, Rain or Shine’s Chris Tiu and Raymond Almazan, gayundin ang Ginebra big men na sina Greg Slaughter at Japeth Aguilar.

Sunod na haharapin ng Alaska sa Biyernes ang NLEX sa MOA Arena.