MAY bagong TV show sa PTV 4 ang sikat at matapang na broadcaster-commentator na si Erwin Tulfo, titled Ronda Patrol Alas Pilipinas. May battlecry na “Abot-kamay ang pangarap! Kasosyo mo sa kapayapaan! ‘Asa likod mo kami!”, ang show ay produced by husband and wife Matte and Queenie Oreta, at mapapanood every Saturday, from 10:00am to 11:00am.

Erwin copy

Sa show ay may riding-in-tandem group si Erwin na magroronda araw-araw all over the ‘Pinas!

Sa conference cum launching ng Ronda Patrol Alas Pilipinas ay natanong ni Yours Truly si Erwin kung bukod sa pagiging anchor ng bago niyang TV program ay magroronda rin ba siya sa buong Pilipinas, kasama ang kanyang riding-in-tandem?

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Well, there will come a time po, pero at this show hindi muna. Pero at this time we will be receiving reports and at the same time ‘yung mga riders po natin, ‘pag may incidents reports sila, they can send to us ‘yung mga nakuha nilang video para maipakita natin sa TV at mapapanood po sa Facebook live ‘yung mga kuha ng mga riders po natin,” sagot ni Erwin.

Nagbibirong tanong uli ni Yours Truly:”Just in case po na magroronda kayo sa buong Pilipinas tapos may makasalubong kayong OFW na Pilipina, is it possible na halikan n’yo rin siya?”

“Ha, ha, ha, ha! Wala naman hong masama. Actually, Ma’am, sanay na sanay po ako diyan kasi marami hong mga fans na gustong humalik, beso-beso. So, no problem po ako dun sa ganu’n. Walang malisya ho.”

Kahit pa sa lips halikan, wala pa rin malisya? “Maski sa lips. Ha, ha, ha!” game na sagot ni Erwin, na umani ng maraming palakpakan at halakhakan ng mga dumalo sa press launch.

Kung sakali ba, walang magseselos sa panig ng b r o a d c a s t e r ? “Ay , wa l a . Wa l a pong magseselos,” natatawang sagot ni Erwin.

Anyway, ang Ronda Patrol Alas Pilipinas ay isang eye opener na layuning paigtingin ang pag b i b igay ng impormasyon s a pub l i k o , na magkasabay na isasahimpapawid s a R a d y o Ng Bayan at PTV 4.

Co - a n c h o r s ni Erwin sa show sina Lad Augustin at Loy Oropesa.

S a m a n t a l a , i t i n a n g g i r i n n i Erwin na kakandidato siya para senador this coming 2019 elections. Wel l , let ’ s wai t and see na lang. Sabi nga, if it is meant to be, it i s meant to be...pak, ‘yun na!

-MERCY LEJARDE