MULA Manila, sentro ng atensyon ang Cebu at Iloilo City sa gaganaping CM Challenge Run at CM Paradise Run sa huling dalawang Linggo Hunyo, ayon sa ColorManila, ang nangunguna fun-run organizer sa bansa.

Sa pakikipagtulungan ng Honda Philippines, ang CM Challenge Cebu ay gaganapin sa Hunyo 17 sa Cebu Business Park sa Ayala Center Cebu, habang ang CM Paradise Run Iloilo, katandem ang Camella, ay lalarga sa Vista Mall Iloilo sa Camella Savannah, Otoh, Iloilo City sa Hunyo 24.

“Our CM Challenge Cebu participants can look forward to the updated CM Challenge Run, which is a perfect mix of both a ‘fun-run’ and an ‘obstacle course run’. And yes, it is still capped by our CM Festival. But this time, it will be continuous, there will be a CM Festival which would take place every hour, so if you’ve joined the first wave, there’s no need to wait until the final wave to finish…Our followers will surely enjoy this newly updated version of the CM Challenge Run,” pahayag ni ColorManila VP Justine Cordero.

Masusukat ang kakayahan ng mga kalahok sa CM Challenge Cebu sa 15 obstacles tulad ng inflatable slide, inflatable tire skip, at military crawl obstacles. Magagawa nila ito, sa saliw ng ibalt ibang masasyang musika.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mapagpipilin ng mga kalahok ang Single Kit category at Squad Category. Ang Single Kit ay P850 kasama ang event shirt, race bib, single entry tag, finisher’s medal, sunglasses, baller ID, at color packet.

Nagkakahalaga naman ng P3,500 ang Squad Category para sa limang miyembro ng koponan kasama ang event shirt, race bib, single entry tag, finisher’s medal, sunglasses, at baller ID.

Mula sa Cebu, lilipat ang aksiyon ng ColorManila sa Iloilo sa Hunyo 24 para sa CM Paradise Run Iloilo.

Ang CM Paradise Run Iloilo ay co-presented ng Camella, Black Arrow Express, Crystal Clear Iloilo, All Home, All Day Supermarket, Coffee Project at Vista Mall Iloilo.

Para sa online registration, buksan ang www.colormanila.com.