SA kabila ng malakas na ulan, dumagsa pa rin sa Mall of Asia Arena nitong Linggo ng gabi ang fans ni Niall Horan para panoorin ang one-night-only concert ng miyembro ng One Direction.

Niall

Sa kalagitnaan ng kanyang pagtatanghal, nagpahayag ng paghanga si Horan sa kanyang Pinoy fans.

“It’s absolutely fantastic to be back in Manila! A beautiful country of beautiful people,” sabi ni Niall.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nanguna rin ang hashtag #FlickerTourManila sa Twitter trending list nitong Linggo ng gabi.

Hinarana ng Irish singer ang kanyang Pinoy fans ng kanyang mga awitin, kabilang ang Slow Hands, This Town, at Flicker.

Inawit din ng One Direction member ang ilan sa pinasikat ng kanyang boy band, gaya ng Drag Me Down at Fool’s Gold.

Pagkatapos ng concert, idinaan ni Niall sa Twitter ang pasasalamat niya sa kanyang Pinoy fans.

“Manila. That was incredible. Thank you xxx,” tweet ng singer-songwriter.

Si Niall ang ikalawang miyembro ng One Direction na nagkaroon ng solo concert sa Pilipinas, kasunod ni Harry Styles na nagtanghal para sa mga Pilipino nitong Mayo.

-Manila Bulletin Entertainment