NAKA-POST na sa Instagram ni Anne Curtis ang poster ng kanyang concert sa August 18, billed Anne-Kulit na gagawin sa Smart Araneta Coliseum. Anniversary concert ito ni Anne na magse-celebrate ng kanyang 21 years sa showbiz.

Anne copy

Ang cute lang ng kabuuan ng title ng concert ng actress-TV host: Anne-Kulit: Promise Last Na ‘To.

Ibig sabihin, last concert na ito ni Anne. But knowing her fans, siguradong hihirit sila ng isa pang concert, lalo na kung maganda at masaya ang Anne -Kulit.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Sa June 15 ay out na ang ticket, kaya puwede na kayong bumili.

Busy and lucky year ang 2018 para kay Anne, dahil after ng Sid & Aya (Not a Love Story) ay may Buy Bust movie pa siya at nagsimula na ring mag-shooting ng Aurora.

Tanong tuloy ng fans ni Anne, kailan sila magkaka-baby ng husband niyang si Erwan Heussaff? Maburi rin daw at hindi pa humihingi ng baby si Erwan kay Anne.

-NITZ MIRALLES