NAGING close na ang cast ng Kambal Karibal, at sa katunayan ay pamilya na ang turing nila sa isa’t isa. Nami-miss nga nila sina Jean Garcia at Jeric Gonzales na kasama sa original cast at magkasunod na nawala. Kinailangan silang i-pullout dahil kasama rin sila sa cast ng Ikalimang Utos.

Kyline, Alfred at Bianca copy

“Nami-miss ko ang pagtawag ni Jean sa akin ng ‘Bebe Ko’, at pati nga viewers nami-miss ang pagtawag niya sa akin na Bebe Ko. Pati nga sa ibang bansa, nang magbakasyon kami, ‘Bebe Ko’ ang tawag sa akin,” kuwento ni Congressman Alfred Vargas.

Ayon kay Alfred, magaan at masaya sa set, kaya laging excited silang mag-report sa taping.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Very light sa set, magaan katrabaho ang lahat, walang nega, kaya masaya. Kumportable rin sa set, laging maganda ang standby area namin. Ang mga bata, masarap katrabaho, focused at seryoso sila,” sabi ni Alfred.

Dahil close na siya kina Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara at Bianca Umali, napapayuhan niya ang mga ito.

“Ang advise ko sa mga bata, okay lang maging simple. ‘Wag silang magpadala sa mga kaibigan nila at kapwa mga artista na bumibili ng magagarang saksakyan na pangporma lang naman. Ang sabi ko sa kanila, bumili ng bahay at mag-invest sa negosyo para pagdating ng araw na hindi na sila masyadong active sa showbiz, hindi sila maghihirap. Siguro naman, nakikinig sila sa akin,” ani Alfred.

Matagal-tagal pang mapapanood ang Kambal Karibal dahil marami pang mangyayari sa story. Kapapasok pa lang ni Sunshine Dizon doon bilang si Maricar, ang tunay na ina ni Cheska (Kyline).

-Nitz Miralles