Sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi na obligado ang individual taxpayers na i-update ang additional exemptions sa kanilang annual income tax returns (ITRs).

Ang additional exemptions ay tumutukoy sa minor children at iba pang dependents ng single o married taxpayer.

Nasa P50,000 ng exemption rate para sa bawat dependent ngunit hindi lalagpas sa apat.

Gayunman, ang exemption ay dobleng napunan ng pagtaas sa personal exemption sa P250,000 para sa bawat indibiwal siya man ay single o married sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

Inamyendahan ng TRAIN ang Section 35 ng Tax Code na naggagarantiya ng additional exemption.

Nag-isyu si BIR Commissioner Caesar R. Dulay ng Revenue Memorandum Circular 40-2018 para ipahayag ang suspension ng Update of Exemption of Employees (UEE) Batch File Validation.

Nakasaad din sa direktiba na ang pagpapalit ng civil status ay dapat gawin nang manu-mano gamit ang BIR Form 1905 (Application for Registration Information Update).

-Jun Ramirez