BAGO pa ang “Tawag ng Tanghalan” Grand Finals sa Aliw Theater ay, marami nang nakakapansin na ‘tila nahahawig, o ginagaya umano ng TNT Grand Champion na si Janine Berdin ang style sa pag-awit ng produkto ng reality search at sikat na ngayong singer na si KZ Tandingan.

Sa Tonight with Boy Abunda kamakailan ay dinepensahan ni Janine ang sarili sa akusasyong manggagaya siya.

“Marami pong things na ginagaya ko (‘yung) kay Ate KZ, kasi idol ko po siya. Pero not in the way na ginagaya ko po ang style niya. Pero ginagaya ko po ‘yung drive niya, ‘yung passion niya po na hindi po susuko. At ‘yung atake niya po, gusto ko katulad din po kay Ate KZ na iba rin po ang atake ko,” paliwanag ng Cebuana singer.

Nang papiliin kung sino sa Eraserheads o kay KZ ang gusto niyang maka-duet, pinili pa rin ni Janine si KZ. Aniya, si KZ daw ang tumulong sa kanya noong mga panahong down na down siya, at sumuko na siya sa pagkanta. “Siya po ‘yung nag-push sa akin. Hindi man po niya ako kilala, parang ‘yung sinasabi niya po sa X-Factor na gusto niyang i-prove na hindi lang mga biritera ang nasa music industry. Parang napi-feel ko po na ako ang sinasabihan niya nun,” kuwento ni Janine. Nang papiliin kung sino ang gusto niyang maka-duet sa pagitan ni KZ at ng bandang IV of Spades, muling pinili ni Janine si KZ, dahil pangarap daw talaga niyang maka-duet ang idolo niya.

Paulo Avelino, unang nakatukaan ni ex-PBB housemate Jesi Corcuera

-ADOR V. SALUTA