NAKAUWI na sa bahay si Jolina Magdangal after niyang manganak sa second child niya nitong May 27. Ayun pa kay Jolens, asikasong-asikaso siya siyempre ng asawang si Mark Escueta.

Jolina at Pele

Aminado naman si Jolens na talagang nahihirapan siya, pero unti-unti na raw siyang nakaka-recover.

“Medyo mahirap, pero okey na at medyo nagre-recover na ako,”sey pa ni Jolens.

Tsika at Intriga

Ai Ai, binatikos dahil sa pakikisawsaw sa isyu ng mag-inang Carlos, Angelica

Ikinuwento pa ni Jolina na nakita raw niyang tanggap na na ng panganay nilang si Pele ang pagkakaroon ng kapatid.

“Nakikita kong nagkakasundo na silang magkapatid. Sana nga tuluy-tuloy na at sobrang sumasaya talaga kami,” kuwento pa ng actress-TV host.

Sinisigurado naman ni Jolina na ngayong dumating na sa buhay nila ni Mark ang bunsong anak na si Vika ay gagawin nila ang lahat para hindi makaramdam ng selos sa kapatid ang kanilang panganay.

“Tina-try naming i-involve para naman hindi siya magselos,” lahad pa ni Jolens.

Dagdag-kuwento ng aktres, sobrang masaya raw silang lahat ngayon sa bahay, at parang lahat ay ayaw nang umalis sa tabi ni Vika. Ayon kay Jolina, kailangan pa rin daw niyang magpahinga nang husto bago tuluyang balikan ang showbiz commitments, lalung-lalo na ang pagho-host ng morning show na Maganda ang Buhay, sa ABS-CBN Channel 2.

Sobrang pasasalamat din ang ipinaabot ni Jolina sa lahat ng tagahanga niya na patuloy siyang ipinagdarasal, gayundin ang anak niyang si Vika.

“Sobrang nami-miss ko na sila. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagme-message sa akin, sa lahat ng mga nagdadasal bago ako manganak hanggang sa ngayon,”sey pa ni Jolens.

Ayon pa rin kay Jolina, nalampasan niya ang lahat ng naging paghihirap mula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak, dahil malaking tulong ang mga natatanggap niyang mensahe mula sa kanyang fans.

“Nakakapagpataba ng puso ang mga messages nila. Sa tingin ko kaya napadali ang paggaling ko dahil sa kanila,”sey pa rin ni Jolina Magdangal.

-JIMI C. ESCALA