TARGET ng Philippine Lady Volcanoes Rugby Team, itinataguyod ng MVP Sports Foundation at First Pacific, na makopo ang Asia Rugby Women’s Championship kontra host Singapore.

Naitakda ng Lady Volcanoes ang duwelo sa kampeonato makaraang durigin ang India, 19-5 sa semifinals nitong nakalipas na Martes.

“It was a good result on Tuesday, however the girls know the task tonight will be much harder. So I’m expecting a very tough encounter against an experienced home team” pahayag ni Jake Letts ng Philippine Rugby

Nakatakdang isabak ng koponan ng Pilipinas ang kanilang buong contingent sa pangunguna nina team captain Aiumi Ono, Tanya Escala Bird at defense specialist Madille Salinas ng Cebu sa kampeonato.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kasama nilang sasabak sina Santos Knight Frank Mavericks representatives Rassiel Sales at Sylvia Tudoc, Eagles RFC members Helena Indigne at Katrina Andrews, Makati Chiefs representative Eloisa Jordan ng Cebu at Ada Milby ng Eagles RFC.

Target ng Philippines Women’s rugby squad ang kanilang unang Division 1 title.

Ganap na 7:00 kagabi ang nasabing Asia Rugby Championships sa Queenstown Stadium, Singapore.

-Marivic Awitan