NAPAPANSIN ng press people na kung open sina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose sa kanilang relasyon sa social media, sa harap ng mga reporter ay never pa rin silang direktang umamin.

Julie Anne copy

Ilang beses na silang na-interview tungkol sa relasyon nila, pero puro “what you see is what you get” pa rin ang kanilang sagot.

Muling narinig ang “what you see is what you get” kay Julie Anne nang matanong tungkol sa kanila ni Benjamin sa interview para sa 3 Stars, 1 Heart Dubai concert nila nina Regine Velasquez at Christian Bautista.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nang banggitin ni Lito Mañago na May 19 sila naging mag-on ni Benjamin, or two days after her May 17 birthday, ngumiti lang si Julie Anne at hindi nagsalita.

Hinayaan na lang namin na hindi sagutin ni Julie Anne ang tanong, darating din naman siguro ang oras na aamin sila.

Maganda ang relasyon nina Julie Anne at Benjamin. Chill lang sila, walang selosan, lalo na pagdating sa trabaho. Hindi nila pinag-aawayan ‘pag may kissing scene si Benjamin sa ibang aktres, at libre ring makipaghalikan si Julie sa mga nakakapareha.

G a y a s a morning series na My G u i t ar Princess na may kissing scene sila ni Gil Cuerva.

“Nakakatuwa ang kissing scene namin ni Gil, 3:00 a.m. na kinunan ‘yun. After that scene, dumiretso na ako sa Subic dahil doon kinunan ang music video shoot ng song kong Tayong Dalawa,” kuwento ni Julie Anne.

Four to five days palang hindi magkikita sina Julie Anne at Benjamin, mula June 14 to June 17 o 18 yata, dahil sa Dubai concert ng dalaga sa June 16. Siniguro naman ni Raul Mitra, musical director ng concert, na mag-e-enjoy ang mga kababayan nating OFW doon, dahil isang solid show ang kanilang mapapanood.

Ang 3 Stars, 1 Heart ay produced ng GMA Pinoy TV, at ng partner carrier na OSN. Mas pabobonggahin ang concert sa mga isusuot na gowns at suits nina Regine, Julie Anne, at Christian na gawa nina Furne One, Ryan Pacioles, at Ezra Santos.

-Nitz Miralles