NAG-POST ng photos ng kanyang training for Darna si Liza Soberano. Sa unang photo ay nagba-boxing siya, ang second ay rope training, habang ang sumunod pa ay hindi na namin alam kung anong tawag sa fitness training na ‘yun.

Liza copy

Nilagyan ni Liza ng caption na “If it doesn’t challenge you, it won’t change you. #DarnaTraining.”

The last time na binisita namin ang Instagram posts ni Liza ay may 259,850 likes na ito at may 2,458 comments. Kabilang sa mga nag-comment sina Anne Curtis, Megan Young, Maja Salvador, Bianca Gonzales, Rayver Cruz, Arci Muñoz at Iza Calzado. Isa naman sa mga nag-like si Janine Gutierrez.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Puro positive comments ang nabasa namin sa ginagawang training ni Liza, at pinuna rin nila ang toned arms ng aktres. May naghihintay nang makita ang kanyang abs, na siguradong mayroon na dahil sa madugong training na kanyang ginagawa.

Puro “thank you” ang sagot ni Liza sa positive comments sa ipinost niyang training para sa Darna. May nag-comment pa nga na hinihintay na niyang makita si Liza suot ang pinakaaabangang Darna costume niya.

-NITZ MIRALLES