MILO Marathon na.

Sa ika-42 season ng prestihiyosong marathon event sa bansa, mas maaksiyon at mas malawak ang sakop na mga lungsod at lalawigan para sa muling pagsasama-sama ng mga pinakamatitikas na marathoner sa bansa.

Sa temang ‘Magsama-sama, Tumakbo, Matuto’, sisimulan ang bagong edisyon sa Hulyo 15 sa Urdaneta City sa Pangasinan.

Pangungunahan nina reigning MILO Marathon King Joerge Andrade at Marathon Queen Mary Joy Tabal ang listahan nang mga local stars na sasabak sa taunang torneo para sa katurapan nang pangarap na makalahok sa prestihiyosong international tournament.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

“The 42nd National MILO Marathon continues to center on the lessons that runners can learn and take with them beyond the finish line,” pahayag ni Lester Castillo, MILO Philippine Sports Executive.

“We are committed to delivering an inspiring season as we highlight the value of discipline, resilience and determination to help our runners be molded into true champion.

Gaganapin sa Laoag City ang National Finals sa Disyembre 9