NAKALUSOT ang Go for Gold sa huling paghirit na ginawa ng Batangas upang maitarak ang 88-75 panalo nitong Lunes sa pagbubukas ng 2018 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Pinangunahan ng bagong recruit na si James Martinez ang ratsadang ginawa ng Scratchers sa third-quarter kung saan isinalansan ang siyam sa kanyang kabuuang 18 puntos upang lamangan ang Batangas sa pinakamalaking 19 puntos.
Nag-ambag si Ron Dennison ng 10 puntos habang kinontrol nina Gab Banal at Jerwin Gaco ang shaded lane sa ipinoste nilang pinagsamang 18 puntos at 19 rebounds.
Naniniwala si Scratchers’ coach Charles Tiu na malaki pa ang magiging pagbabago sa kanyang koponan kung makakapag ensayo lamang sila ng husto.
“I’m still not satisfied. It’s probably only our fourth time to play as a complete team and we haven’t been practicing because of the individual commitments of the players,” ani Tiu.
“We know what we can do and our goal is to win a championship. unfortunately, we’re still far from that. It’s a given that we have the talent in this team, so the challenge for us is to have more practice time to get familiar with each other and learn to play the proper way,” aniya.
Nanguna naman para sa Batangas si Cedric de Joya sa iniskor nitong 18 puntos, 3 rebounds, at 2 assists.
Sa unang laban, tinalo ng Marinerong Pilipino ang AMA Online Education, 95-83.
-Marivic Awitan