Pinagtibay ng Kamara ang House Resolution 1818 na humihiling sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na isama ang sakit na psoriasis sa listahan sa mga karamdaman na saklaw ng health care program.

Layunin ng resolusyon na maging available ang psoriasis treatment, laluna sa mahihirap, at mabawasan din ang mga taong may ganitong sakit.

Sa resolusyon na inakda ni Rep. Scott Davies Lanete, isang doktor, binanggit ang psoriasis bilang isa sa “most baffling and persistent skin diseases.”

-Bert De Guzman
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter