BILANG bahagi ng ika-15 anibersaryo ng GMA The Heart of Asia, mapapanood na sa network ang kauna-unahang ‘Lakorn’—tawag sa soap opera sa Thailand—sa Philippine TV, ang You’re My Destiny.

104

Sa unang Lakorn na mapapanood sa GMA, itatampok sa You’re My Destiny ang mga buhay nina Paolo (Wisetkaew Sukrit), tagapagmana ng malaking kumpanya; Martina (Esther Supreeleela), law firm clerk na madalas samantalahin ang kasipagan sa kanyang trabaho; Cathy (Wecks Lanlalin), ballerina girlfriend ni Paolo; at Rafa (Tre Porapat Srikajorn), isang ampon na nagpasikat sa ibang bansa para mahanap ang nawawalang kapatid.

Isang gabing ‘di inaasahan ang magtatagpo sa mga landas nina Martina at Paolo, at sa mapusok na gabing ito mabubuo ang anak nilang dalawa. Paano haharapin ni Paolo ang sitwasyon kung nagigipit at pinipilit na siyang magkaanak ng kanyang pamilya, pero mayroon siyang ibang minamahal sa katauhan ni Cathy? Samantala, makikilala rin ni Martina si Rafa at matatagpuan nila ang malalim na pagkakaibigan sa isa’t isa. Makatulong kaya ang pagkakaibigang ito sa mga personal nilang problema?

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Kilalanin ang kultura ng Thailand sa You’re My Destiny, simula Hunyo 4 pagkatapos ng Inday Will Always Love You sa GMA Telebabad.