MAY mga fans pa rin ang love team nina Jennylyn Mercado at Mark Herras at tuwang-tuwa sila ngayon sa takbo ng istorya ng The Cure, dahil laging magkaeksena ang dalawa.

113

Nabasa namin ang comments ng fans at may mga nagre-request na sana ay magtagal pang magkasama sa story at madalas magkaeksena sina Charity (Jennylyn) at Darius (Mark).

Hindi lang puwede ang ibang request na sina Jennylyn at Mark na lang ang pagtambalin, dahil may asawa si Charity at ‘yun ay si Greg (Tom Rodriguez), na nawawala ang karakter sa story at inakalang patay na.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Natanong si Jennylyn ng kanyang reaction sa kontrabida role na ginagampanan ni Mark sa The Cure, kabaligtaran sa mga una nilang ginawang teleserye na pareho silang bida, at si Mark ang leading man niya.

“Walang masama sa pagiging kontrabida, importante sila sa story. I’m happy for Mark dahil hindi siya natakot magkontrabida. Saka, mas maganda kung minsan, tatanggap ng character role ang mga artista,” sabi ni Jennylyn.

Nagagamit na pala ni Jennylyn ang Balintawak training, dahil marami siyang action scenes sa mga umeereng episodes. Ang husay niyang makipaglaban sa mga infected, kahit anong hawak na pamalo.

Patikim pa lang ‘yun dahil marami pang gagawing action scenes si Jennylyn hanggang magtapos ang The Cure.

-Nitz Miralles