BALAYAN, Batangas - Iniimbestigahan na ang pananambang sa isang bagong halal na kapitan at kumpare nito sa Balayan, Batangas nitong Sabado.

Nalagutan sa dami ng tama ng bala sa katawan si Jingo Sherwin Barros Noche, 46, bagong halal na kapitan ng Barangay Duhatan ng nasabing bayan.

Nilalapatan naman ng lunas si Vicente Perez na nadaplisan ng bala sa tiyan.

Sa imbestigasyon, naglalakad ang mga biktima pauwi galing sa isang birthday celebration nang pagbabarilin sa kanilang barangay, bandang 1:30 ng hapon.

Probinsya

Lalaki, hinagisan ng itak ng live-in partner dahil sa 13th month pay

Bukod sa pulitika, tinitingnan ding anggulo ang dating trabaho ni Noche bilang pulis sa Balayan.

-Lyka Manalo