DAHIL opisyal nang nagpakasal si Meghan Markle, oras na para ang dati naman niyang asawa na si Trevor Engelson ang magsabi ng “I do”.

Tracey and Trevor copy

Ayon sa Us Weekly, engaged si Trevor sa kanyang health expert girlfriend na si Tracey Kurland. Ibinahagi umano ng film producer ang balita sa kanyang Instagram account, sa pagpo-post ng larawan nilang dalawa, na may caption na, “Luckiest guy I know! Get ready to party!”

Gaya ni Meghan, ito rin ang pangalawang pagkakataon na maikakasal si Trevor, na nagsimulang magkaroon ng relasyon sa dating Suits star noong 2004 hanggang magpakasal makalipas ang pitong taon, sa Jamaica Inn sa Ocho Rios, Jamaica, noong 2011. Ngunit tahimik na nagdiborsyo ang dalawa dalawang taon makaraan silang magpakasal.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Nanirahan sina Trevor at Meghan sa Los Angeles sa panimula ng kanilang pagsasama, ngunit lumipat si Meghan sa Toronto para sa shooting ng kanyang USA series. Ang distansiya umano ang naging ugat ng panlalamig ng relasyon ng dalawa, at sinabing ang kanilang mga pagkakaiba ang rason ng kanilang paghihiwalay.

“The split with Meghan hit Trevor pretty hard. He went through a rough time during the breakup and that was only made worse when Meghan got together with (Prince) Harry last year,” pagbubunyag ng source sa The Sun noong 2017 kasunod ng royal engagement announcement nina Markle at Harry. “He had to re-live it all again — this time in public. It wasn’t the most amicable of divorces and there were hurt feelings on both sides. Now he has bounced back and things are looking great for him.”

At kahit na naka-move on na si Trevor sa kanyang naging relasyon sa ngayon ay Duchess of Sussex, nag-pitch umano ang TV producer ng TV series tungkol sa kanyang naging relasyon kay Meghan at pagpapakasal nito sa miyembro ng British royal family.

Ngunit kinansela umano ito ng 41 taong gulang dahil sa nakipag-usap umano ito sa ilang kaibigan ni Meghan.

“Trevor’s project is currently on hold after several months of anguish for Meghan,” lahad ng isang senior TV executive sa The Sun. “The plan was for the series to come out during the aftermath of the royal wedding later this summer, but things have changed.”

Ayon sa The Sun, kinausap din umano ni Meghan ang kanyang ex tungkol sa show.

“The couple has barely spoken since their divorce, but she did reach out to him—with Harry’s agreement—to thank him for not telling their story in public,” lahad pa ng source, batay sa ulat ng Fox News.