NAGMISTULANG bayani ang British actor Benedict Cumberbatch, na kilala sa kanyang pagganap bilang ang fictional crime-fighter na si Sherlock Holmes at bilang si Doctor Strange sa Avengers: Infinity War, nang habulin niya ang apat na kawatan na nambiktima sa isang siklista sa London.

Benedict

Bumaba si Benedict, 41, mula sa sinasakyang taxi at tumakbo papunta sa biktima, na nagtatrabaho sa food delivery company na Deliveroo, nang makita niyang inaatake ito ng mga suspek.

“The cyclist was lucky, Benedict’s a superhero,” pahayag ni Manuel Dias, Uber driver ni Benedict, sa Sun. “Benedict was courageous, brave and selfless. If he hadn’t stepped in the cyclist could have been seriously injured.”

Tsika at Intriga

Nakakaloka! Conspiracy theory tungkol kay Beyoncé, nagkalat sa social media

Nangyari ang attempted robbery sa Marylebone High Street, na malapit lang sa fictional home ni Sherlock Holmes sa Baker Street.

“One of the males attempted to grab the victim’s cycle ... He was then punched in the face, struck on the head and hit with his helmet,” lahad ng Metropolitan Police sa isang pahayag.

“Nothing was reported stolen. The victim did not require hospital treatment. No arrests have been made,” saad pa sa pahayag.

Kuwento ng Uber driver, sumugod ang aktor palapit sa mga kawatan, itinulak ang mga ito sabay sabing, “leave him alone” bago silang tuluyang tumakas.

Nilinaw naman ni Benedict sa Sun na hindi siya hero.

“I did it out of, well, I had to, you know ,” sabi pa ng aktor.

Gumanap na fictional detective sa TV series na Sherlock simula 2010 at sa mga pelikula gaya ng The Hobbit, Avengers: Infinity War at The Imitation Game, bumida rin sa pelikula si Benedict bilang ang British World War II codebreaker na si Alan Turing.

-Reuters