“Your service and dedication to the Philippines inspires us”
Viral ngayon sa social media ang video ng mga Duterte Supporter sa New York City na ipinagdiriwang ang naging ika-48 na kaarawan ni Vice President Sara Duterte.
Matatandaang nagdiwang ng ika-48 na kaarawan ang Bise Presidente noong Mayo 31, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: Nag-ingay! Mga DDS nag-noise caravan, pakita ng suporta kay VP Sara
Ayon naman sa nag-viral na post ng Facebook uploader na si Willyn Enriquez Arcadio noong Miyerkules, Hunyo 3, mapapanood ang tila magiliw na pagkanta ng “Happy Birthday” ng mga tagasuporta ni VP Sara habang nasa gitna ang karton na standee ng larawan niya at isang cake.
“The Filipino community in New York comes together to celebrate and honor our Vice President Sara Duterte on her special day!” pagsisimula ni Arcadio sa caption ng kaniyang post.
Screenshot mula sa naturang post ni Arcadio.
Anila, isang inspirasyon daw ang ipinapakitang serbisyo at dedikasyon ni VP Sara para sa mga katulad nilang tagasuporta nito na nasa malayong bansa.
“Your service and dedication to the Philippines inspires us, even from thousands of miles away. Wishing you joy, good health, and continued blessings. Happy Birthday, VP Sara!” pagtatapos pa nila.
Habang sinusulat ito, umabot na 880K views at umani na ng 44K reactions ang naturang post ng nasabing supporter.
KAUGNAY NA BALITA: Rep. Pulong umagree kay PBBM matapos sabihing hindi nagsisising maka-tandem si VP Sara