Sumang-ayon si Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. matapos nitong sabihin na hindi raw siya nagsising tumakbo noong 2022 elections kasama si Vice President Sara Duterte.
Sa latest Faccebook post ni Rep. Pulong nitong Lunes, Hunyo 1, sinabi niyang hindi umano mananalo si Marcos, Jr. sa pagkapangulo kung hindi nito kasama ang kapatid niya.
Aniya, “Wala ka talagang dapat pagsisihan. Because the truth is simple—without Sara Duterte, you would not have won by the margin that you did. The UniTeam coalition delivered votes from north to south.”
“History will always show that your victory was built not on the Marcos name, but on the trust and support commanded by Vice President Sara Duterte,” dugtong pa ni Rep. Pulong.
Kaya nagtataka umano ang kongresista kung bakit tila pinalalabas ng Pangulo na ito lang ang may ambag sa mandatong ibinigay ng taumbayan.
“At sa huli,” pahabol pa ni Rep. Pulong, “hindi standing ovations sa Batasan ang magde-decide kung matagumpay ang isang Pangulo. Ang magde-decide ay ang mga Pilipinong hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng pagbabago na ipinangako mo sa kanila noong 2022.”
Matatandaang tila nagsimula ang lamat nina Marcos, Jr. at VP Sara noong magbitiw ang huli bilang chairperson at miyembro ng Lakas-CMD dahil umano sa “political toxicity” o “execrable political powerplay.”