June 04, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Alan, hinamon Tulfo brothers na harapin ang 18-ex Marines!

Sen. Alan, hinamon Tulfo brothers na harapin ang 18-ex Marines!
Photo courtesy: File photo

Sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na dapat sana ay dumalo sina Sen. Raffy Tulfo at Senador Erwin Tulfo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ng kaniyang grupo kaugnay ng mga alegasyong inilahad ng mga umano'y dating miyembro ng Philippine Marines.

Sa pagdinig, pinuna ni Cayetano ang panawagan ng mga Tulfo na humarap ang mga sangkot sa isyu, habang aniya ay hindi naman sila dumalo sa mismong pagdinig.

"That's the problem with the Tulfos. Sasabihin nila, 'humarap ka,' etc. Sana humarap siya kanina. Iyong 18 (ex-marines), harapin niya sa susunod na hearing," ani Cayetano.

Sa hiwalay na pahayag, muling iginiit ng senador ang kaniyang panawagan sa mga kapwa mambabatas na personal na dumalo sa mga pagdinig upang marinig mismo ang mga testimonya at makapagtanong sa mga testigo.

"Sasabihin nila 'humarap ka,' sana humarap siya kanina," dagdag ni Cayetano.

Politics

Malacañang, muling nanindigan kay Sen. Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore, Acting Senate President

Ang pahayag ng senador ay kasunod ng testimonya ng 18 umano'y dating miyembro ng Philippine Marines na naglahad ng mga alegasyon hinggil sa umano'y pamamahagi ng mga maleta na naglalaman ng pera.

Ayon sa mga testigo, kabilang umano ang magkapatid na sina Se. Raffy at Sen. Erwin sa mga personalidad na nakatanggap ng mga naturang maleta. 

Gayunman, nananatiling mga alegasyon lamang ang mga pahayag na ito at hindi pa napatutunayan sa anumang hukuman o opisyal na imbestigasyon.

Inaasahan namang tatalakayin pa ng Blue Ribbon Committee ang usapin sa mga susunod na pagdinig upang mabigyang-linaw ang mga alegasyong inihain ng mga dating marino.

Matatandanag ang magkapatid na Tulfo ay kabilang sa bagong majority bloc ng Senado na nasa ilalim ng paksyon ni Acting Senate President at Senate President Pro Tempore Win Gatchalian.

Sa bisa ng naisagawang plenary session noong Miyerkules, Hunyo 3, nailukok si Sen. Erwin bilang Blue Ribbon Chair—bagay na hindi kinilala ng paksyon ni Cayetano.

Sa Hunyo 8 inaasahang magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ng flood control projects ang paksyon nina Sen. Gatchalian na pangungunahan ni Sen. Erwin.