NUEVA ECIJA CITY – Sugatan ang 10 katao matapos tumagilid ang kinalululanan nilang pick-up truck sa kahabaan ng Maharlika Highway dito, nitong Huwebes ng hapon.

“Self-accident” ang nangyari dahil pawang nakainom ang mga sakay ng sasakyan, ayon kay Ace Wenceslao, operation chief ng Provincial Disaster Risk Reduction & Management Office (PDRRMO).

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa maayos na kondisyon na ang mga biktima.

-Light A. Nolasco
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog