Ni Fer Taboy

Naaresto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y finance officer ng New People’s Army (NPA) sa Butuan City, Agusan del Norte kahapon.

Ayon kay Eastern Mindanao Command Spokesperson Maj. Ezra Balagtey, kinilala ang suspek na si Nerita Calamba de Castro.

Nadakip si De Castro sa joint police at military operation sa Emenville Subdivision, Barangay Ambago, Butuan City.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon sa awtoridad, si De Castro ay finance head ng Komisyon Mindanao at acting secretary ng Regional White Area Committee (RWAC) ng NPA sa Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).

Nakapiit ang suspek sa Eastern Mindanao Command.