HUMINGI ng dasal si Sharon Cuneta sa kanyang followers sa social media after her second lipoma surgery sa batok niya.

Sharon

“Hi. This is just a photo of my right hand after my I.V. had been removed. I just got home after my second lipoma surgery. Much bigger than the first. I still have a drain attached which they will remove tomorrow (Huwebes), Wednesday),” ani Sharon.

Nai-post na ni Sharon dati na dumaan siya sa first lipoma surgery kaya itong huli ay second surgery na. Minor surgery lang ang ginawa kay Sharon dahil hindi siya na-admit sa hospital, kaya bukas, June 1, may concert na siya.

Pelikula

Hello, Love, Again natalbugan ang Rewind; netizens, nag-aaway sino bumitbit ng pelikula

Sa Bacolod gagawin ang Sharon na 40th Mega Philippine Tour. Guests niya sina Martin Nievera at Basil Valdez. Maggi-guest din si Sharon sa concert ni Joey Generoso sa June 22, sa Theater Solaire. Ang ibig namin tukuyin dito, tuloy pa rin ang pagko-concert niya kahit bagong opera.

Hinihintay na rin ang announcement kung sino ang final na makakapareha ni Sharon sa bago niyang pelikula sa Star Cinema.

-NITZ MIRALLES