Mga Laro Bukas

(Filoil Flying V Centre)

2:00 n.h. -- BaliPure-NU vs Creamline

4:00 m.h. -- PayMaya vs Petro Gazz

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

HUMAHABOL ang PetroGazz mula sa malaking kalamangan kabilang na ang pagbalikwas buhat sa siyam na puntos na pagkakaiwan sa fourth frame para maiposte ang 25-19, 20-25, 28-26, 25-21 panalo kontra Pocari-Air Force nitong Miyerkules sa Premier Volleyball League Season 2 Reinforced Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Muntik na nadoble ni Ukrainian Olena Lymareva ang kanyang 16-hit debut kontra Iriga-Navy Lady Oragons noong isang linggo matapos magtala ng 30 hits na kinabibilangan ng 25 attack points para pamunuan ang Angels kontra Lady Warriors para sa ikatlong sunod nilang panalo matapos matalo sa unang tatlo nilang laro.

“They just didn’t give up. At least they’re playing with determination but we have to work and check on our slow starts,” ani PetroGazz coach Jerry Yee.

Dahil sa panalo tumabla ang PetroGazz sa kanilang biktima sa pang-apat na puwesto.

Nagdagdag naman ang kapwa import niyang si Anastasia Trach ng 17 puntos kasunod si Cherry Nunag na may walong puntos.

Pinangunahan naman ni Myla Pablo ang Pocari sa itinala nyang 20 puntos sumunod si American import Maddie Palmer na may 17 puntos , 30 excellent receptions at 11 digs.

Samantala, sumalo ang Tacloban sa PetroGazz at Pocari sa fourth spot makaraang pataubin at ipinid ang pinto ng quarters para sa Iriga-Navy 25-20, 25-22, 27-25.

-Marivic Awitan