MALAYO na ang narating ni Paulo Avelino sapul nang sumali sa Starstruck isang dekada na ang nakakalilipas.
Siya ang maituturing na pinaka-successful sa batch, katunayan ang walang patid na dating ng offers sa kanya for TV and movies.
Katatapos lang niyang lumabas sa Kasal na ipinagmamalaki niya nang husto. Itinuturing niya itong one of the most memorable movies na kanyang ginawa dahil sa maselang tema ng pelikula.
Sa Heneral Goyong ay ginagampanan niya ang katauhan ng batang bayani na si Gregorio del Pilar. Isa itong big-budgeted historical drama na nakatakdang ipalabas sa Setyembre.
Ano ang susi ng kanyang tagumpay?
“Hindi ko po alam. Siguro pinaghalong good timing, lots of luck at hardwork. Plus factor din ang maging propesyonal ka sa iyong trabaho. Seryosohin mo ito at mahalin,” sagot ng actor.
-REMY UMEREZ