PAGKALIPAS ng dalawang taong pananalangin ni Vina Morales kay Padre Pio ay lumabas na ang hatol sa ikinaso niya kay Cedric Lee na kidnapping sa anak nilang si Ceana Magdayao Lee.

VINA copy

Guilty ang hatol kay Cedric na labis ipinagpasalamat ni Vina. Ito ang kanyang post sa Instagram tungkol dito: “Salamat po Panginoon Padre Pio, Mahal kong pamilya , Matatalik kong kaibigan at sa iyo, Atty @lucillesering to God be the Glory #AnsweredPrayer #GodisGreat #thankful.”

Sinubukan naming i-text si Vina kahapon habang tinitipa namin ang balitang ito para tanungin kung ano na ang mangyayari sa visitation rights ni Cedric sa anak. Naputol na ba ito dahil sa ikinaso niya?

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pero hindi niya kami sinagot. Napag-alaman namin na busy ang singer/actress sa taping ng Araw Gabi na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes kasama sina JM de Guzman at Barbie Imperial mula sa RSB unit ng ABS-CBN.