KAGYAT na inamin ni Kiefer Ravena ang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa mga tagahanga, officials at sa kanyang pamilya hinggil sa idinulot na 18-month suspension sa International Basketball Federation (FIBA) bunsod nang pagpositibo sa ‘illegal substance’.

 NAGBIGAY ng kanilang pahayag hinggil sa pagsuspinde ng FIBA kay Kiefer Ravena (gitna) sina Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio (kanan) at NLEX owner Manny V. Pangilinan

NAGBIGAY ng kanilang pahayag hinggil sa pagsuspinde ng FIBA kay Kiefer Ravena (gitna) sina Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio (kanan) at NLEX owner Manny V. Pangilinan

Pinatawan ang 24-anyos na si Ravena ng suspensiyon nang mag-positibo sa 4-methylhexan-2-amine (methylhexaneamine), 1,3-dimethylbutylamine (DMBA), at higenamine, kabilang sa mga substance na ipinagbabawal ng FIBA dahil sa sangkap na nakapagbibigay ng kakaibang lakas sa player.

Sumalto si Ravena sa random doping test na isinagawa ng FIBA batay sa regulasyon ng World Anti-Doping Agency (WADA) nang maglaro ang Gilas Pilipinas labas sa Japan sa second window ng FIBA World Cup qualifier sa Manila nitong Pebrero

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Iginiit ni Ravena na nakuha niya ang naturang substance sa ininom na pre-workout energy drink na may brand na “Dust”. Sinabi niyang nagkulang siya sa pagrebisa sa sangkap ng naturang energy drink dahil nabibili lamang umano ito sa mga retail store sa bansa.

“Amidst everything, I am in front of you guys today to take full responsibility of my actions despite how painful and dreadful it is,” pahayag ni Ravena, sa inihandang press conference ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP).

“I regret taking this pre-workout drink without analyzing and taking extra time to read its ingredients.”

Hindi naman malinaw kung ang suspension ni Ravena sa FIBA ay susundin din ng PBA kung saan naglalaro ang dating Ateneo star sa NLEX.

Wala pa ring pormal na pahayag hinggil sa isyu ang Games and Amusement Board (GAB) – ang ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng sanction sa professional sports at lisensya sa mga pro athletes.

“We still evaluating all the information we gathered. Hindi kasi sa doping test naming nangyari, but still our legal team is looking to it, check muna namin,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

“The Player [Kiefer Ravena] had not received any formal anti-doping education but had learned a very valuable lesson through this experience; The Player regrets unintentionally violating the FIBA anti-doping rules; and, The Player had been tested twice by SBP when taking C4 and had no positive results,” nakasaad sa statement ng FIBA.

-Marivic Awitan