Hindi kinaya ng isang ginang ang pinag-awayan nila ng asawa kaya umano nagawa nitong magpakamatay sa harap ng pag-aaring sari-sari store sa Barangay Quirino sa Bacnotan, La Union, kahapon ng madaling araw.
Nabatid sa police report na nagtalo si Susana Ramos, 51, at mister na si Rogelio Ramos Jr. tungkol sa problema ng pamilya.
Sinaraduhan umano ni Susana ang mister sa loob ng kanilang tindahan, bago siya nagbigti makalipas ang ilang oras.
-Liezle Basa Iñigo