ANG cute nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, pasimpleng nag-holding hands habang nakatayo at naghihintay sa ni-request naming picture taking nilang dalawa.

BIANCA AT MIGUEL

Pang-millennials ang holding hands ng dalawa dahil hindi buong kamay ang naghawakan. Ang nakita namin, three fingers lang yata ni Bianca ang hawak ni Miguel. Hindi na namin sila pinansin at kunwari, wala kaming nakita.

Sa taping ng Kambal Karibal namin nasaksihan ang kakaibang holding hands ng dalawa at ang lagay na ‘yun, wala pa silang relasyon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sabi kasi ni Miguel, hindi pumayag ang lola ni Bianca na ligawan ang apo nito kahit 18 years old na.

Kaya nang tanungin si Miguel kung ano ang feeling niya na girlfriend niya ang isa sa pinakamagandang young actress ng bansa, ang sagot niya, hindi pa niya kasintahan ang leading lady sa Kambal Kariba.

“Hindi ko pa siya GF, hindi ako pinayagan ng lola niya na ligawan si Bianca. Maghihintay ako, nakapaghintay nga ako ng matagal, willing pa rin akong maghintay kahit matagal. Kung maging GF ko siya, siyempre masaya ako dahil hindi lang panlabas ang ganda niya, pati panloob niya maganda rin,” sabi ni Miguel.

Samantala, masaya sina Bianca at Miguel sa mataas na ratings at positive feedback sa Kambal Karibal. Dahil dito, ilang beses nang na-extend ang primetime teleserye. Pati ang acting ni Miguel pinupuri lalo na sa confrontation nila ni Bianca at sa mga eksena nila ni Marvin Agustin.

“Salamat! Happy ako na nabibigyan ng atensiyon ng viewers ang ginagawa namin. Hindi madali ang mga ginagawa naming eksena at ‘pag na-notice ang ginagawa namin, natatanggal ang pagod namin,” aniya.

Isa sa mga nabasa naming comment tungkol kay Miguel, nakipagsabayan siya sa acting kina Marvin, Carmina Villarroel, Alfred Vargas at Christopher de Leon noong nasa Kambal Karibal pa ang magaling na aktor.

--Nitz Miralles